Isang tricycle driver, si Bacrain Dicay Macaraob, ang agad na nadetine pulisya, naaresto sa isang entrapment operation sa Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City nitong Lunes, March 3, 2025.
Sa ulat ni Col. Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City police, ang suspect, taga Purok Mamarinta sa Barangay Rosary Heights 10, ay nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu ng mga hindi unipormadong mga operatiba ng Police Precint 2 sa lungsod, pinamumunuan ni Major Teofisto Ferrer Jr.
Ayon kay Bongcayao, nakunan din ng dalawa pang sachet ng shabu si Macaraob ng kapkapan ng kanyang mga ka-transaksyon na hindi mga unipormadong mga pulis.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act si Macaraob. (March 4, 2025)