Isang matinding trahedya ang yumanig sa Barangay Di Makita sa Tanay, Rizal matapos matagpuang wala nang buhay ang siyam na magkakapatid bandang alas-6:45 ππΊππΊπππ ng umaga. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nalason ang mga bata matapos makakain ng pagkaing sinasabing kontaminado ng kemikal.
Batay sa ulat ng mga otoridad, pinaniniwalaang nagnakaw ng pagkain ang mga bata mula sa isang hindi pa natutukoy na lugar. Hindi umano nila alam na ito’y may halong nakalalasong sangkap.
Dahil sa labis na paghihinagpis sa sinapit ng kanyang mga anak, nagpakamatay umano ang kanilang ina gamit ang nylon cord na kanyang ginamit sa pagbigti.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis at mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng naturang pagkain at kung sinadya ba ang posibleng pagkalason.
Mariing panawagan ngayon ng mga residente ang hustisya at masusing imbestigasyon sa insidente na kumitil ng sampung buhay sa loob lamang ng isang araw.
Handout Media June 16,2025Β