Sugatan ang tatlong mga pulis ng masaksak ng isang nagwawalang lalaki sa Barangay Bunawan Brook sa Bunawan City, Agusag del Sur nitong Huwebes.

Umani ng papuri ang tatlong mga sugatang pulis — sina Executive Master Sgt. Ronald Remy Abastillas, Master Sgt. Ayop Cercados at Corporal Rysan Buhawe Dalayap — dahil sa kabila ng mga sugat na tinamo, ay hindi nila pinatay ang nagwawalang si Amancio Asis Barrios sa kabila ng kanyang nagawang pagkakasugat sa kanilang tatlo.

Nasa kustodiya na ng Bunawan City Police Station si Barrios na diumano sugapa sa alak at madalas na napaaway kung lasing. Naniniwala ang mga mga kapitbahay ni Barrios sa Sitio Guitas sa Barangay Bunawan Brook na lulong din sya sa illegal na droga.

Dahil sa kanilang nagawa, agad na ginawaran ni Brig Gen. Christopher Abrahano, director ng Police Regional Offic-13, ng Medalya ng Sugatang Magiting sina Abastillas, Cercados at Dalayap mismo sa hospital kung saan sila naka-confine at ginagamot.
Pinuri din ng local executives sa Bunawan City ang tatlong pulis sa kanilang nagawa. (May 30, 2025)