Napatay ng mga pulis ang isa sa mga suspect na pumatay sa mag-asawang guro at misis nito na inagawan muna ng motorsiklo bago nila pinagbabaril nitong gabi ng Miyerkules sa poblacion ng Matalam sa probinsya ng Cotabato.

Naganap ang insidenteng nagresulta sa pagkamatay ng suspect sa Purok Waling-Waling sa poblacion ng Matalam nitong hapon ng Biyernes, May 16, 2025.

Tangkang aarestuhin sana ng mga operatiba ng Matalam Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office si Alex Mamitel Mamad ngunit siya ay pumalag kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi sa kanyang kamatayan.

Si Mamad na napatay ng mga pulis sa isang shootout ay natunton sa kanyang pinagtataguan sa pagtutulungan ng local officials at mga kasapi ng Matalam municipal police force. Siya ay matagal ng may kasong frustrated homicide sa na nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 22 sa probinsya ng Cotabato.

Sa pahayag ng mga barangay officials at mga imbestigador ng Matalam police, si Mamad ay isa sa mga umagaw ng motorsiklo ng public high school teacher na si Eliser Sugasta bago nila ito pinatay sa pamaril, kasama ang kanyang buntis na kabiyak na si Lalaine sa loob ng kanilang computer store sa naturang bayan.

Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang maga-asawa kung saan dinala sila ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Si Mamad na napatay ng mga pulis sa isang shootout ay natunton sa kanyang pinagtataguan sa pagtutulungan ng local officials at mga kasapi ng Matalam municipal police force. (May 17, 2025, handout Facebook image) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *