Dalawang bahay at isang furniture shop sa Purok Bai Alabie sa Mother Barangay Tamontaka sa Cotabato City ang tinupok ng apoy nitong tanghali ng Biyernes, June 27, 2025.
Maagap namang napigil ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection mula sa Cotabato City Fire Station ang pagkalat ng apoy sa iba pang mga bahay sa kapaligiran. (June 27, 2025, handout photo)
