Nag-deploy ng mga tropa ang 6th Infantry Division at pulisya sa tatlong mga lugar sa Central Mindanao na nabulabog ng mga serye ng engkwentrong Moro versus Moro nitong nakalipas na mga araw.
Kabilang sa mga lugar kung saan nag-deploy ng tropa ang 6th Infantry Division ang Barangay Masigay sa Datu Piang sa Maguindanao del Sur, ang Barangay Lomopog sa Midsayap, Cotabato at ang Barangay Damatulan sa Nabalawag na sakop ng Bangsamoro Special Geographic Area ngunit nasa loob ng Cotabato, isa sa apat na probinysa ng region 12.
Ang peacekeeping troops deployment ay magkahiwalay na kinumpirma ni Major Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, ni Brig. Gen. Jaysen Santos, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ng Brig, Gen, Arnold Ardiente na director ng Police Regional Office-12.
Sa ulat ng mga traditional Moro leaders at local executives sa mga lugar na apektado ng kaguluhan, puro mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang sangkot sa mga labanang nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente namang kinalaman sa kanilang mga away.
Nagsasagawa na ng kakulang aksyon ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front na maayos ang mga away ng mga miyembro nito sa mga bayan ng Datu Piang, Midsayap at sa Nabalawag. (July 8, 2025)