Depresyon sanhi ng mga problema ang diumano sanhi ng pagkakapatay sa mga saksak ng isang stepson, o anak-anakan, ng kanyang 73-anyos na stepfather nitong Biyernes, June 20, 2025, sa Barangay Bugo sa Cagayan de Oro City.
Agad na namatay si Juanito Ledesma matapos saksakin ng ilang ulit ng nagwalang stepson na kinilala lang muna ng pulisya na si Rommel na ilang araw na balisa, nagmumura ng mag-isa bago naganap ang insidente.
Ayon sa mga mga opisyal ng Cagayan de Oro City Police Office at mga local executives sa lungsod, labis ang pagdamdam ng suspect sa pagkakabuntis ng kanyang misis ng ibang lalaki habang siya ay nagtatrabaho sa Manila.
Nagulat na lang si Rommel ng madatnan sa bahay nila Ledesma na may bagong silang na anak na ang kaniyang kabiyak na resulta ng relasyon nito sa ibang lalaki.
Sa salaysay ng mga kakilala, na-lay-off sa kanyang trabaho sa Manila ang suspect dahil hirap ng magpasuweldo ang kanyang employer kaya siya bumalik na lang ng Cagayan de Oro at doon nabistong nagkaanak ang kanyang misis sa ibang lalaki.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspect. (June 22, 2025, handout photo)
