State university official binaril, patay

Wala ng buhay ang isang babaeng engineer na mataas ang posisyon sa isang state university ng matagpuan sa loob ng kanyang Toyota Fortuner na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Paco sa Kidapawan City nitong tanghali ng Lunes, December 30, 2024.

Sa inisyal ng ulat nitong hapon ng Lunes ni Col. Gilbert Tuzon, Cotabato provincial police director, may tama ng bala sa leeg si Engineer Shiela Ramos Bautista, nakahandusay sa driver’s seat ng kanyang sasakyang nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Paco sa Kidapawan City.

Si Bautista, residente ng Barangay Manongol sa Kidapawan City na siyang provincial capital ng Cotabato, ay isang professor at department head sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan sa probinsya.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office kung sino pumatay kay Bautista na ang minamanehong Toyota Fortuner, may plakang NCN-2291 ay naka handbrake pa at nakaparada ng maayos sa gilid ng highway, isang indikasyon na kanyang sadyag itinigil ang sasakyang sa naturang lugar.

Ayon sa kanyang kabiyak at mga kamag-anak na dumating sa crime scene ng mabalitaan ang naganap sa kanya, may ihahatid lang na mahalagang bagay sa isang lugar ang biktima ng mapatay ng hindi pa kilalang mga salarin. (December 30, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *