KORONADAL CITY (September 4, 2025) — Napatay ng mga pulis ang isang dealer ng marijuana at shabu na nanlaban ng kanila na sanang aarestuhin sa isang entrapment operation sa Barangay Colongulo sa Surallah, South Cotabato nitong umara ng Martes, September 2, 2025.
Kinumpirma nitong Huwebes, September 4, 2025, ng mga local executives sa Surallah at mga community leaders sa Barangay Colongulo na ang nasawing 39-anyos na si Stephen Dubria Dagismol ay matagal ng patagong nagbebenta ng shabu at marijuana sa Surallah at mga karatig na bayan sa South Cotabato.
Sa ulat ni Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, tangkang aarestuhin na sana ang suspect ng mga operatiba ng Surallah Municipal Police Station na pinangungunahan ng kanilang hepe, si Lt.Col. Lemuel Josef Clarete, matapos siyang mabilhan ng 10 sachets ng shabu sa Purok Arca sa Surallah ngunit pumalag, naglabas ng .38 caliber revolver at nagpaputok.
Gumanti ng putok sina Clarete at kanyang mga kasama kaya agad siyang namatay sa mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Ayon sa mga opisyal ng South Cotabato Provincial Police Office, naikasa ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga barangay officials at mga kasapi ng multi-sector Surallah Municipal Peace and Order Council.
Nadeklarang dead on arrival si Dagismol ng mga doctor sa isang hospital kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.