Sampung residente ng South Cotabato province sa Central Mindanao ang nag-positibo sa monkeypox, ayon sa ulat ng mga lokal na kinauukulan nitong Huwebes.
Kinumpirma ni Doctor Conrado Braña, Jr. chief ng Intergrated Provincial Health Office-South Cotabato, sa isang press briefing nitong umaga ng Huwebes, May 23, 2025, na sampung residente ng probinsya ang nagpositibo sa monkeypox, lahat naka-isolate at kanilang minamanmanan ng maige.
May isang monkeypox patient sa Banga, isa sa Tantangan, apat sa T’boli, dalawa sa Surallah at isa sa Lake Sebu mga magkakatabing mga bayan sa South Cotabato.
Ayon kay Braña, may isang monkeypox patient din sa Koronadal City, ang kabisera ng probinsya.
Ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo, chairman ng South Cotabato Disaster Risk Reduction and Management Council, nagtutulungan ang kanyang administrasyon, ang Department of Health 12 at ang tanggapan ng Braña sa pagsugpo ng posibleng pagkalat ng monkeypox disease sa iba pang mga bayan sa probinsya. (May 23, 2025)
