Ito ay ayon sa ulat ng mga provincial officials sa South Cotabato na ang kabisera ay Koronadal City.
Kinumpirma ni Doctor Conrado Braña, chief ng Intergrated Provincial Health Office-South Cotabato, sa isang press briefing nitong umaga ng Huwebes, May 22, 2025, na may sampung residente ng probinsya ang nagpositibo sa monkeypox, o MPOX, na naka-isolate na at under close surveillance ng kanilang mga medical teams.
May isang MPOX patient sa Banga, isa sa Tantangan, apat sa T’boli, dalawa sa Surallah at isa sa Lake Sebu, mga magkakatabing mga bayan sa South Cotabato.
May isang MPOX patient din sa Koronadal City, ay ayon kay Doctor Braña. (May 22, 2025)