Muling nahalal nitong May 12, 2025 elections ang apat na mga pangunahing elected officials sa Lanao del Sur province, sina Governor Mamintal Alonto Adiong, Jr., Vice Governor Mohammad Khalid Rakiin Adiong at ang mga congressmen na sina Zia-ur-rahman Alonto Adiong at Yasser Alonto Balindong na mga kinatawan ng Lanao del Sur first and second congressional districts, ayon sa pagkakasunod.

Silang apat ay mga kandidato ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo, o SIAP Party, na ang presidente ay si Vice Gov. Adiong. May mahigit 700,000 na mga dokumentadong miyembro at supporters ang SIAP regional party sa limang probinsya at tatlong lungsod sa Bangsamoro region.

Ang Lanao del Sur, sakop ng Bangsamoro region, ay may 39 na municipalities at mahigit 90 barangays sa Marawi City na kabisera ng probinsya.

Nagpaabot nitong Biyernes, May 16, 2025, ng kanilang mga hiwalay na pasasalamat, sa pamamagitan ng media entities sa Central Mindanao, ang mga reelected na sina Gov. Adiong, Vice Gov. Adiong, Congressman Adiong at si Congressman Balindong sa mga Muslim and Kristiyanong residente ng Lanao del sumuporta sa kanilang kandidatura. (May 16, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *