Nagtamo ng mga tama ng bala ang isang security guard ng tambangan ng mga salarin na sakay din ng motorsiklo na nakabuntot sa kanya sa Barangay Ayala sa Zamboanga City nitong gabi ng Linggo, June 1, 2025.
Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office, papunta sa kung saan ang biktimang security guard na si Eduardo Taping ng paputukan ng mga nakasunod sa kanyang mga naka-motor na mabilis na tumakas ng makitang nabuwal na ito.
Agad namang isinugod sa isang hospital ang biktima ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas ang kanyang mga sugat sanhi ng naturang pamamaril. (June 2, 2025)
