Isang kasapi ng Makilala Municipal Police Station, si Staff Sergeant David Lopez De Jose, ang napatay sa ambush nitong hapon ng Huwebes, September 25, 2025.
Minamaneho ni De Jose ang kanyang kulay blue na pick-up type multi-cab ng tambangan sa Barangay Taluntalunan sa Makilala sa probinsya ng Cotabato.
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang biktima.
Ayon sa mga saksi, sakay ng isang kotseng Toyota Vios ang mga pumatay kay De Jose.
Mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay De Jose, ngayon pinaghahanap na ng kanyang mga kasama sa Makilala municipal police force at ng mga operatiba ng Cotabato Provincial Police Office. (September 26, 2025, Makilala, Cotabato Province)