Pulis patay,3 pa sugatan sa pamamaril sa Lebak, Sultan Kudarat

Patay ang isang police master sergeant habang sugatan naman ang tatlong mga civilians ng pagbabarilin ng mga kalalakihan habang nasa malapit sa isang peryahan sa Barangay Poblacion 1 sa Lebak, Sultan Kudarat madaling araw nitong Martes.

Sa mga hiwalay na ulat nitong tanghali ng Martes ng mga opisyal ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12, nasa tapat ng isang tindahan at may intelligence mission sa naturang lugar ang nasawing si Master Sgt. Louie Noble ng lapitan ng mga salarin at walang habas na pinagbabaril na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ulat na tinanggap ni Police Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng PRO-12, mula sa Lebak Municipal Police Station, nagtamo ng maselang mga tama ng bala ang tatlong mga kasama ni Noble, sina Cresencio Sia, Ronaldo Fernando at Christian Pedro na tumutulong sa kanyang pagbabantay laban sa mga posibleng manggugulo sa peryahan.

Ilang beses ding pinaputukan ng .45 at .40 caliber pistols ng mga armado sina Udtuhan, Fernando at Pedro bago sila tumakas sa kalagitnaan ng pag-panic ng mga tao sa peryahan dulot ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.

May direktiba na si Ardiente sa mga opisyal ng Sultan Kudarat provincial police at mga imbestigador ng Lebak municipal police force na magpatulong sa mga barangay officials sa naturang bayan sa pagkilala sa mga pumatay kay Noble at nakasugat sa kanyang mga kasama, ginagamot na sa isang hospital. (December 31, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *