Patay sa tama ng bala ang isang kasapi ng President Quirino Municipal Police Station na nabaril ng kanyang biyenan na babae sa Barangay Poblacion sa President Quirino, Sultan Kudarat nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat nitong Huwebes ng President Quirino Municipal Police Station, unang nag-away si Police Staff Sgt. Bobby Nanali at kanyang misis na nauwo sa kanilang agawan ng kanyang pistol.

Naagaw ng misis ni Nanali ang kanyang baril na agad niyang binigay sa kanyang nanay na na siya nitong ginamit sa pagbaril sa sa kanya.

Ayon sa mga kasapi ng President Quirino Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tinaman ng bala sa baba ng kanyang dibdib sa Nanali.

Pumanaw si Nanali sa isang hospital kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas. (June 26, 2025)