Bagama’t wala namang matinding peace and security issues sa bayan ng Tupi sa South Cotabato, mas pinalawig pa ng municipal police force ang kanilang peace and security operations upang matiyak ang patuloy na katahimikan sa lahat ng lugar sa sakop nito.

Guwardiyado ng mga kasapi ng Tupi Municipal Police Station ang mga palengke, mga paaralan at iba pang mga public places sa mga barangays na sakop nila.

Ang Tupi ay may mababang crime statistics batay sa mga records ng South Cotabato Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12. (June 9, 2025, handout photo)