Patay ang isang 63-anyos na empleyado ng Kamara matapos barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa loob ng isang subdivision sa Barangay Commonwealth, Quezon City nitong Hunyo 15.
Kinilala ang biktima na dapat sanang magdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak sa clubhouse ng subdivision nang mangyari ang insidente.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang oras bago ang party, namataan na umano sa loob ng subdivision ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen.