Patay ang isang civilian na diumano “military asset,” si Jabber Amil Ambal,” at sugatan naman ang kanyang kasamang kasapi ng 33rd Infantry Battalion ng tambangan ng mga armado sa isang liblib na lugar sa Barangay Dapantis sa Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur nitong Linggo, February 2, 2025.
Sa ulat ng Rajah Buayan Municipal Police Station kay Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala si Ambal sanhi ng naturang pamamaril.
Magkasama si Ambal at ang intelligence agent ng 33rd IB sa isang lugar sa Barangay Dapantis ng lapitan ng mga lalaking sakay ng motorsiklo at agad silang pinaputukan.
Nagtamo ng mga maselang sugat sanhi ng naturang pamamaril ang sundalong matagal ng kakilala at kasama ni Ambal sa mga covert anti-terror missions sa ilang mga bayan sa Maguindanao del Sur. (February 2, 2025)