Nasa ligtas ng kalagayan ang Diocesan priest na si Father Freed Moore Billena at limang mga kasama sa isang pick-up truck na lumihis, gumulong at lumagpak ng patihaya sa gilid ng highway sa Lower Kalaisan sa Kidapawan City nitong umaga ng Huwebes, May 1, 2025.

Sina Father Billena ay mula sa Mlang, Cotabato at patungo sana sa Magpet, isang upland municipality sa probinsya, ng maaksidente.

Agad naman silang naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders mula sa Kidapawan City local government unit at mga barangay officials sa isang pagamutan upang malapatan ng lunas.

Ang pari at ang kanyang limang kasama na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ay nasa ligtas ng kalagayan. (MAY 2, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *