Home » Panukalang Cotabato provincial youth code, suportado ng publiko

Panukalang Cotabato provincial youth code, suportado ng publiko

Suportado ng mga youth organizations at local government officials sa probinsya ng Cotabato ang panukalang The Youth Code of the Province of Cotabato, o Proposed Provincial Ordinance 2025-18-004.

Layunin ng naturang panukala, isinusulong ng administrasyon ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza, na maprotektahan ang mga karapatan ng kabataan at bilang gabay din upang sila ay maging mga mabuti at produktibong residente ng probinsya.

Magiging saklaw ng proposed The Youth Code of the Province of Cotabato ang mga kabataang kabilang sa mga Muslim, Christian at mga ethnic communities sa probinsya.

Nagsagawa na ng inisyal na public hearing ang mga nagsusulong ng panukala nitong Miyerkules, July 30, 2026, sa conference hall ng Integrated Provincial Health Office sa provincial capitol sa Kidapawan City.

Nagpahayag na ng suporta sa panukala ang mga dumalo sa public hearing, kinabibilangan ng local youth development officers mula sa iba’t-ibang bayan sa Cotabato at sa Kidapawan City, mga Sangguniang Kabataan Federation officials, at mga representatibo ng humanitarian groups na may mga youth empowerment projects sa probinsya.

Naging kinatawan ni Gov. Mendoza sa naturang public hearing ang presidente Sangguniang Kabataan Provincial Federation na si Michie De Guzman, si Cotabato 2nd District Board Member Ryl John Caoagdan at ang presidente ng provincial federation of Barangays na si Phipps Bilbao.

Inaasahan ng marami sa Cotabato province na maipapasa ng walang pagkabalam ang Panukalang The Youth Code of the Province of Cotabato. (August 3, 2025, Kidapawan City, Region 12)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *