Home » Panibagong battalion ng 6th ID, may bagong commanding officer

Panibagong battalion ng 6th ID, may bagong commanding officer

Pormal na itinalaga ni Army Brig. Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, si Lt. Col. Erikzen Dacoco bilang bagong commander ng 105th Infantry Battalion nitong Sabado, February 15, 2025.

Pinalitan ni Dacoco si outgoing Lt. Col. Dante Gania, matapos manilbihan ng halos tatlong taon bilang commanding officer ng 105th IB, ang pinakabagong battalion ng 6th ID, naitatag nito lang February 4, 2023.

Bagama’t bago pa lang, marami ng naipatupad na peace and security programs ang 105th Battalion kaugnay ng peace process ng pamahalaan para sa Moro sectors at sa paghikayat sa mga miyembro ng ngayon ay mahina ng terroristang New People’s Army.

Sa kanyang mensahe sa change of command ceremony sa headquarters ng 105th IB sa Sitio Matinong sa Barangay Little Baguio sa Surallah, South Cotabato, pinasalamatan ni Gumiran si Gania sa kanyang mabuting pamamahala ng naturang battalion.

Hinikayat ni Gumiran si Dacoco na ipagpatulay ang mga community-service at peace initiatives ng 105th IB na sinimulan ng mga ‘pioneer” officers nito. (February 17, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *