
Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P5.7 million na halaga ng shabu sa dalawang dealers na nalambat sa Barangay Santa Barbara sa Zamboanga City nitong gabi ng Linggo, November 11, 2024.
Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, naka-detine na ang dalawang lalaking nalambat sa Martha Drive sa Barangay Santa Barbara, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi na pumalag ang dalawang suspects ng arestuhin ng mga hindi unipormadong mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at ng PRO-9 na kanilang nabentahan ng 850 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P5.7 million, sa isang lugar sa gilid ng Martha Drive sa Barangay Santa Barbara pasado 7:00 p.m. nitong Linggo.
Ayon kay Masauding, nakatulong ang mga barangay leaders at ang tanggapan ng mayor ng Zamboanga City sa paglatag ng matagumpay na entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang dealers at pagkakumpiska sa kanila ng P5.7 million na halaga ng shabu. (November 11, 2024)