Magkatuwang na sinunog ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 at ng mga police officials ang abot sa P331 milyong halaga ng mga illegal na droga sa isang power generating plant sa Aurora, Zamboanga del Sur nitong Miyerkules.
Sa ulat nitong Huwebes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, regional director ng PDEA-9, ang kanilang pagsira ng mga shabu at mga expired na government-regulated na mga gamot na ipinakustodiya sa kanila ng ibat-ibang mga drug stores ay isinagawa sa presensya ng mga sectoral leaders na suportado ang anti-narcotics campaign ng kanilang ahensya.
Abot sa 48.6 kilos ng shabu na nakumpiska sa mga ibat-ibang ng mga anti-narcotics operations nitong nakalipas na mga taon ng PDEA-9 na sinuportahan ng Police Regional Office-9 ang sinunog nila Gadaoni-Tosoc at mga sectoral representatives sa power-generating incinerator ng Libertad Power and Energy Corporation sa Aurora, Zamboanga del Sur.
May basbas ang naturang aktibidad ang ibat-ibang mga korte sa mga lungsod at mga probinsya sa Region 9 kung saan nilitis ang mga dealers na nakumpiskahan ng mga sinunog na shabu.
Kabilang sa mga tumulong sa pagsunog ng mga shabu at mga expired barbiturates at tranquilizers mula sa ibat-ibang drug stores sa Region si Zamboanga del Sur 1st District Congresswoman Divina Grace Yu. (February 13, 2025)