Agad na nadetine ang isang 38-anyos na lalaking shabu dealer na na-entrap ng mga pulis sa Barangay Tamontaka 4 sa Cotabato City nitong umaga ng Miyerkules.
Ayon kay Col. Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City Police Office, ang suspect ay nalambat ng mga operatiba ng mga Police Station 3 sa lungsod sa pangunguna ni Capt. Jonathan Van Encabo at ilang mga community leaders na Barangay Tamontaka 3.
Agad na inaresto ng mga kasapi ng Cotabato City Police Station 3 ang si Datu Mama Talisan Kasim matapos magbenta sa kanila ng limang gramo ng shabu, nagkakalaga ng P34,000, sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Tamontaka 4.
Sa mga hiwalay na pahayag, pinasalamatan ni Bongcayao at Encabo ang mga residente ng barangay official sa Tamontaka 4 na nag-ulat ng pagbebenta ni Kasim ng shabu sa kanilang lugar kaya naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (July 24, 2025)