Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 million na halaga ng shabu mula sa isang lalaking dealer na kanilang na-entrap sa sa Barangay Sundig sa Taraka, Lanao del Sur nitong Biyernes, May 23, 2025.
Sa ulat nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng kanilang mga agents at mga pulis na kanyang nabentahan ng kalahating kilong shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Sundig sa Taraka.
Malaki ang naitulong ng tanggapan ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr, ni Brig, Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng mga units ng Lanao del Sur Provincial Police Office sa naturang matagumpay na entrapment operation, ayon kay Castro.
Ayon kay Castro, nakadetine na ang suspect na nakunan ng P3.4 million na halaga ng shabu, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MAY 24, 2025)