Umaabot sa P20-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng mga elemento ng Philippine Navy matapos maharang ang isang bangkang de motor sa isinagawang maritime operation sa Dumoy Point, Davao City kamakalawa.
Sa report ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), nasabat ng BRP Herminigildo Yurong sa ilalim ng Naval Task Force 71 ang nasabing bangka na naaktuhang kahina-hinalang nagbababa ng mga kargamento sa tabing dagat sa naturang lugar.
Nang inspeksiyunin ang M/B Sharefa ay dito na nadiskubre na naglalaman ito ng 800 master cases ng hindi dokumentadong mga sigarilyo na sa pagtaya ay aabot sa P20 milyon ang halaga.
Hindi na nakapalag ang mga tripulante ng bangka matapos na makorner ng mga tauhan ng Philippine Navy.
Ang mga nakum¬piskang smuggled ciga¬rettes at mga inarestong tripulante ay inilagay na sa kustodya ng Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City sa tulong ng Naval Special Operations Unit 7.
Nitong Hunyo 8, matapos dumaong sa Captain Feranil Pier sa lungsod ay itinurnover na sa kinauukulang mga awtoridad ang mga tripulante at mga nasamsam na mga puslit na sigarilyo para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. (Source: Pilipino Star Ngayon, June 10, 2025, Joy Cantos)
