P1.3 million halaga ng shabu nasamsam sa South Cotabato

Arestado ang dalawang dealers na nabilhan ng P1.3 million na halaga ng shabu ng mga hindi unipormadong mga pulis sa Barangay Improgo sa Banga, South Cotabato nitong Miyerkules, November 27, 2024.

Sa ulat ng Police Regional Office-12 nitong Biyernes, nakakulong na ang mga shabu dealers na sina Ricolito Javier Cruz at ang kasabwat niyang si Noriniel Geroy Delariarte, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi na pumalag pa ang dalawa ng arestuhin ng mga kasapi ng ibat-ibang units ng PRO-12 at mga kasapi ng Banga Municipal Police Station matapos silang bentahan ng P1.3 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok Mainuswagon sa Barangay Improgo sa Banga.

Sa hiwalay na pahayag ng PRO-12 at ng South Cotabato Provincial Police Office, naikasa ang naturang matagumpay na operasyon sa tulong ng admnistrasyon ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. at ng mga local officials sa bayan ng Banga. (Nov. 29, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *