Home » Negosyante patay sa ambush sa Tacurong City

Negosyante patay sa ambush sa Tacurong City

Namatay sa loob mismo ng kanyang kotse ang isang negosyante na biktima ng ambush sa Tacurong City sa Sultan Kudarat nitong gabi ng Biyernes.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado ng Tacurong City Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, sakay si Rel Blanco at ang kanyang misis ng kanilang kotse ng tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng Alunan Highway sa naturang lungsod na nagsanhi sa kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa kanyang kabiyak na nakaligtas sa naturang pananambang, hindi nya namukhaan ang mga salarin dahil madilim ang lugar kung saan sila pinagbabaril.

Mabilis na nakatakas ang mga armadong nagsagawa ng ambush na nagresulta sa pagkamatay ng Blanco, nakatira sa Doña Aurora Street sa sentro mismo ng Tacurong City. (Dec.7, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *