Parehong malubha ang kalagayan ng live-in partners sanhi ng mga tama ng bala na kanilang tinamo ng pagbabarilin ng mga armadong sakay ng motorsiklo sa Barangay Saguing sa Makilala, Cotabato nitong gabi ng Huwebes, September 25, 2025.

Pumarada ang mga salarin sa tapat ng tindahan ng mga biktima — ang negosyanteng si June Languido at ang kanyang live-in partner na nakilala lang na si Paday — sa gilid ng highway sa Barangay Saguing at agad silang pinagbabaril ng mga ito, ayon sa mga saksi.

Sa inisyal na ulat nitong Biyernes ng Makilala Municipal Police Station, maliban sa dalawang live-in partners, sugatan din ang isa pang residente na nakilala lang sa palayaw na Ging-Ging na nasa kung saan naganap ang insidente.

Agad namang isinugod ng mga emergency responders sa pagamutan ang tatlong biktima upang malapatan ng lunas.

Parehong maselan ang kalagayan ng live-in partners na siyang target ng naturang pamamaril.

Mabilis na nakatakas ang mga motoristang bumaril sa kanila, ayon sa mga imbestigador ng Makilala police force at mga barangay officials sa naturang bayan. (September 26, 2025, Makilala, Cotabato Province)