Natagpuan na kamakalawa sa isang bahagi ng Matuber River sa Upi, Maguindanao del Norte ang isang lalaking naiulat na nawala dalawang araw bago nakita ang kanyang bangkay ng mga rescuers ng Upi municipal government na naghanap sa kanya.
Unang iniulat ng mga kamag-anak ng nasawi na hindi siya nakauwi ng bahay at doon na natagpuan sa Matuber River ng mga nagsagawa ng search operation ayon sa kautusan ng mga local executives sa Upi. (June 29, 2025, handout photo)
