Agad na namatay sa tama ng bala sa leeg ang isang 73-anyos na ina na aksidenteng naputukan ng nalaglag ng baril ng anak sa kanilang tahanan sa Barangay Miglamin sa Malaybalay City sa Bukidnon nitong Sabado, June 21, 2025.
Hindi na umabot ng buhay si Erlinda Suriyao Dela Rosa sa isang hospital sa Malaybalay City kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng Lunas.
Nakadetine na sa Malaybalay City Police Station ang anak ni Dela Rosa na may-ari ng pistol na aksidenteng nakapatay sa kanya ng malaglag sa sahig at pumutok.
Isang tama ng bala sa leeg ang tinamo ni Dela Rosa na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay, ayon sa mga pulis at barangay officials na nagresponde sa insidente.
Ayon sa mga officials ng Malaybalay City police force at mga local executive sa lungsod, nabitawan ng anak ni Dela Rosa ang kanyang bag na may lamang baril na pumutok ng bumagsak kaya ito tinamaan ng bala sa leeg na nagsanhi ng kanyang kamatayan. (June 22, 2025, handout photo)