Nanay, 3-buwang anak, driver patay sa Maguindanao ambush

Tatlo ang patay, kabilang ang isang sanggol, sa isang ambush sa Barangay Mileb sa Radjah Buayan sa Maguindanao del Sur nitong hapon ng Huwebes.

Sa mga hiwalay ulat nitong Biyernes ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga nasawi, si Harrah Jinn Utto Lumenda, ang kanyang tatlong-buwang sanggol at ang driver na si Nunokan Manalindo ay pinagbabaril ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Barangay Mileb.

Patungo sa kung saan ang mga biktima ng sila ay na-ambush na nag-sanhi sa kanilang agarang pagkamatay.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Radjah Buayan Municipal Police Station kung sino ang mga tumambang kina Lumenda, na ang mga magulang ay mula sa malalaking angkan sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Macapaz, tumutulong ang mga local officials sa Radjah Buayan sa pagkilala sa mga responsable sa naturang pananambang na mabilis na nakatakas, pinaghahanap na ng mga pulis at mga intelligence agents ng mga Army units sa Maguindanao del Sur. (Dec. 13, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *