Nagtamo ng maselang mga sugat at pasa sa katawan ang isang barangay tanod na nahagip ng isang fuel tanker habang nagbibisekleta sa Barangay Culasi sa Roxas City sa Capiz Province nitong Miyerkules, June 11, 2025.
Agad na isinugod ng mga emergency responders sa isang hospital ang barangay tanod upang malapatan ng lunas. Boluntaryong nagpa-kustodiya na agad sa pulisya ang driver ng tanker truck na nasangkot sa aksidente. (June 12, 2025, handout photo)
