Isang matagal ng wanted sa kasong murder at dalawang mga kasama nito ang naaresto ng mga operatiba ng Lamitan City Police Station sa isang law-enforcement operation nitong Martes, January 28, 2025.
Ang wanted sa kasong murder na si Mumar Jajuli, 50-anyos, at mga kasamang sina Arhamar Lacay Ajali, 27-anyos, at Matarfe Ayash Halim, 30-anyos, ay naaresto sa isang operasyon ng mga operatiba ng Lamitan City Police Station sa Barangay Bato, Lamitan City.
Sisilbihan ng warrant of arrest si Jajuli ng mga pulis na agad namang nagpaaresto at inaresto na rin ng operating team ang mga kasama niya sa kanyang pinagtataguan na sina Ajali at Halim ng makumpiskahan ng shabu ng kapkakapan bilang standard operating procedure.
Hindi na rin pumalag sina Ajali at Halim at kusa ng nagpa-detine sa mga pulis.
Nasa detention facility na ng Lamitan City Police Office ang tatlo. (Jan. 31, 2025)