Agad na namatay ang isang motoristang sobrang bilis ang patakbo ng motorsiklo, kinumpirma ng mga kakilala na noon ay lasing at walang driver’s license, ng mabundol ng dalawang sasakyan sa Barangay Capayuran sa Pigcawayan, Cotabato bandang takipsilim nitong nitong Miyerkules, February 26, 2025.
Sa salaysay ng mga saksi, unang nabundol ng isang sasakyan ang motorsiklong minamaneho ng 19-anyos na si Von Bieren na ayon sa mga saksi ay gumegewang-gewang nab ago nakahagip ng isang motorsiklo na nagsanhi ng kanyang pag-crash sa highway.
Unang nasagasaan ng isang sasakyan si Bieren habang nakahandusay sa isang madilim na bahagi ng highway sa Sitio Barte sa Barangay Capayuran bago ito nasagasaan ng isang van na agad namang sumuko ang driver sa Pigcawayan Municipal Police Station.
Nalaman din ng mga imbestigador na maliban sa walang lisensya si Bieren, wala ding plaka ang kanyang motorsiklo at inaalam na ngayon ng mga police investigators kung ito ay naka-rehistro sa Land Transportation Office. (February 27, 2025) Handout photo, netizen Bryan Bang