Home » Motorista patay sa sa talpok sa tindahan sa talipapa

Motorista patay sa sa talpok sa tindahan sa talipapa

Isang motorista ang patay habang malubha naman ang kanyang angkas ng kanilang mabangga ang isang vending stall sa gilid ng highway sa Barangay Lika sa Mlang, Cotabato nitong madaling araw ng Biyernes, February 28, 2025.

Sa ulat ng Mlang Municipal Police Station nitong Sabado, nawalan ng control ng kanyang motorsiklo si Gerry Cerbas Aringo kaya kanilang nabundol ng kaangkas na si Jonel Bulwag Maderse ang isang tindahang talipapa-style sa gilid ng highway sa Barangay Lika.

Ang nasawing si Si Cerbas ay taga Banga, South Cotabato. Ang kanyang kaangkas na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan na si Maderse ay residente ng Montawal, Maguindanao del Sur.

Nasa kustodiya na ng Mlang municipal police ang Suzuki Raider 150 motorcycle ni Cerbas. (March 1, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *