Agad na namatay ang isang lalaking motorista sanhi ng aksidente sa Conel Road sa Barangay San Isidro sa General Santos City nitong umaga ng Linggo, June 8, 2025.

Sa inisyal na pahayag ng mga kasapi ng Traffic Enforcement Unit ng General Santos City Police Office, sakay ang 19-anyos na biktimang si Joshua Ginatilan Sese ng kanyang motorsiklo, patungo sa kung saan, ng may lumikong tricycle sa kanyang unahan kaya bigla siyang nag-preno, nawalan ng control at bumagsak sa sementong kalye.

Ang driver ng tricycle na si Richard Partosa ay nasa kustodiya na ng lokal na kinauukulan.

Namatay on the spot si Sese sanhi ng pagkabagok ng kanyang ulo sa semento, ayon sa mga barangay officials na nagresponde sa insidente.

Ayon sa mga saksi, may kabilisan ang takbo ng Honda Click ni Sese kaya nahirapan siyang iiwas ito ng lumiko ang tricycle ni Partosa sa kanyang tapat. (June 8, 2025, handout photo)