Patay sa mga tama ng bala ang isang motorista ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Purok Mauswagon sa Barangay Salunayan sa Midsayap, Cotabato nitong gabi ng Huwebes, June 12, 2025.
Iniulat nitong Biyernes ni Lt. Col. Gorosin Catcatan ng Midsayap Municipal Police Station na sakay ang lalaking biktima ng kanyang motorsiklong Yamaha Nmax, patungo sa kung saan, ng biglang lumitaw ang mga salarin mula sa gilid ng kalye at agad siyang pinaputukan ng M16 rifle at .45 caliber pistol.
Ilang mga basyo ng 5.56 ammunition, na siyang ibinabala sa M16 rifle, at .45 pistol ang natagpuan ng mga police investigators sa pinangyarihan ng krimen.
Galing ang biktima sa hindi kalayuang Barangay Malingao sa Kadayangan, isang bagong tatag na Bangsamoro municipality na sakop ang ilang mga barangays na dating nasa teritoryo ng Midsayap ang tambangan ng armadong kalalakihan.
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa biktima, ayon sa mga imbestigador mula sa Midsayap police force at mga barangay officials na nag-responde sa insidente.
Magkatuwang nilang dinala ang ambush victim sa isang hospital sa midsayap kung saan nadeklara ito ng mga doctor na dead on arrival. (June 13, 2025)
