Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang lalaking motorista na biktima ng ambush sa isang bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway sa Barangay Kayaga sa Kabacan, Cotabato ngayong umaga ng Sabado, June 21, 2025.

Sa inisyal na ulat ng mga imbestigador mula sa Kabacan Municipal Police Station at mga barangay officials na nagresponde sa insidente, galing ng Pagagawan sa bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao del Sur ang biktima at patungo sa sentro ng Kabacan ng tambangan ng mga lalaking nakaabang sa kanya.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Kabacan Municipal Police Station hinggil sa insidente. (June 21, 2025, handout photo)