Isang motorista, si Julito Curbo, ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ng lumihis ang kanyang motorsiklo at diretsong nahulog sa malalim na gilid ng highway sa Lantungan sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur nitong Sabado, June 28, 2025.

Ayon sa mga kinauukulan, si Curbo ay taga Barangay Man-ilan sa hindi kalayuang bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa isang pagamutan upang malapatan ng lunas. (June 29, 2025, handout photo)