Dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo ang naisugod sa hospital sanhi ng pag-crash ng kanilang motorsiklo sa Natividad Street sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City madaling araw nitong Lunes, June 30, 2025.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklong sinasakyan ng dalawa ng ito ay sumemplang sa kalye.

Agad naman silang isinugod sa isang hospital ng mga emergency responders na tumugon sa insidente. (June 30, 2025, handout photo)