Isang principal ng Zapakan Elementary School sa Barangay Zapakan sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur ang pinagbabaril nitong tanghali ng Martes, June 10, 2025.

Ayon sa mga imbestigador ng Radjah Buayan Municipal Police Station, palabas na ng school campus si Alamanza Ambiton upang mananghalian ng lapitan ng armadong mga lalaking sakay ng motorsiklo at agad na pinagbabaril.

Si Ambiton, residente ng Barangay Barurao sa hindi kalayuang bayan ng Sultan sa Barongis, at nagtamo ng maselang mga tama ng bala sa katawan.

Mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Ambiton.

Siya ay agad na isinugod ng mga kakilala sa isang hospital upang malapatan ng lunas.

Abangan ang dagdag pang detalye tungkol dito. (June 10, 2025)