MOLE-BARMM suportado sa kampanya laban Violence Against Women

Nakiisa ang Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa paglulunsad ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) noong Nobyembre 25, 2024 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City.

Pinangunahan ng Bangsamoro Women Commission (BWC), tampok sa aktibidad ang ika-6 na State of the Bangsamoro Women Address (SOBWA) ni Chairperson Bainon Karon, kung saan inilahad niya ang mga hakbang para tugunan ang Violence Against Women and Children (VAWC).

Binigyang-diin ni Karon ang pagkakaisa ng lahat ng sektor upang tuluyang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Kaisa ang MOLE sa panawagang, “Violence Against Women Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras.”

Ang mga kawani ng MOLE-BARMM, sa pamumuno ni Minister Muslimin Sema ay masigasig ang suporta sa mga programa naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kababaihan at mga kabataan sa autonomous region. — Nov. 27, 2024 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *