COTABATO CITY (September 3, 2025) — Nais ng Bangsamoro Party (BAPA) ng Moro National Liberation Front na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa peace, sustainable development at makabuluhang awtonomiya sa pamamagitan ng progresibong pulitika, sa isang lugar ng mapayapang labanan ng mga diskurso — ang regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ang maliwanag na pahiwatig ng mga leaders ng MNLF, sa pamumuno ng chairman ng kanilang central committee, si BARMM Labor Minister Muslimin Sema, sa isang extensibong dayalogo sa mga reporters sa isang function facility sa Cotabato City nitong Martes, September 2, 2025.
Ginunita din nitong Martres ng mga peace advocates sa ibat-ibang panig ng Pilipinas at ng mga MNLF communities sa Mindanao ang ika 29th anniversary ng September 2, 1996 government-MNLF peace agreement.
Ipinaliwanag ni BARMM Labor Minister Sema sa mga reporters na marami pang dapat isagawa ang mga local communities at ang Philippine government upang maging ganap ang pagpapalaganap ng peace and development sa kontexto ng peace and humanitarian objectives ng mga hiwalay na kasunduang pangkapayapaan ng Malacañang sa MNLF at sa Moro Islamic Liberation Front.
Magkatuwang ang MNLF at MILF sa pamamahala ng ilang mga ahensya ng BARMM, naitatag nito lang 2019, at parehong may mga representatibo ang dalawang fronts sa 80-seat Bangsamoro parliament sa kapitolyo ng autonomous region sa Cotabato City.
Ayon kay BARMM Labor Minister Sema at sa dalawang mga MNLF officials na kasapi ng Bangsamoro parliament, sina Hatimil Hassan at Omar Yasser Sema, isusulong ng Bangsamoro Party, mas kilala na BAPA Party, ang pagprotekta sa mga dividendo ng Mindanao peace process sa prosesong mapayapa, sa bagong mapayapang intellectual battlefield na walang putukan — sa parliamento ng Bangsamoro region.
Ayon kay Member of Parliament Sema, marami pang dapat gawin upang maipatupad “in letter and spirit” ang government-MNLF peace agreement na kanilang sinisikap na maisakatuparan sa mapayapang mga paraan.
Ang BAPA Party ng MNLF ay may mga kandidato para sa mga parliamentary seats ng iba’t-ibang parliamentary districts sa Bangsamoro region sa gaganaping kaunaunahang BARMM regional elections ngayong October 13, 2025.
Ang MNLF ang siyang pinaka-pioneer na Moro front na nag-alsa para makamit ang genuine Moro identify at self-rule noong 1970s. Ang naging pinaka “mother reference” ng mga hiwalay na peace agreements ng Malacañang sa MNLF at sa MILF ay ang December 23, 1976 Tripoli Agreement ng MNLF at ng Philippine government.
Ayon kay Member of Parliament Sema na isang abogado, ang progresibong pulitikang isusulong ng BAPA Party ay inklusibo, pulitikang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Muslims, Christians at non-Moro indigenous people sa Bangsamoro region at sa mga karatig na mga probinsya sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.