Home » MNLF hiniling na maibalik ang Sulu sa BARMM

MNLF hiniling na maibalik ang Sulu sa BARMM

photo of Chairman Sema giving a speech

Sabay na nanawagan nitong Huwebes ang mga leaders ng Moro National Liberation Front sa Kongreso at Senado na magtulungang maibalik ang Sulu, sa pamamagitan ng enabling legislative measures, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Naniniwala ang mga opisyal ng MNLF, kabilang sa kanila si Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema, na may magagawa ang mga mambabatas sa dalawang kapulungan, upang muling maging sakop ng BARMM and Sulu, na inalis ng Supreme Court sa rehiyon batay sa petisyon ng governor ng probinsya na si Hadji Abdusakur Mahail Tan, Sr.

Nagpulong nitong Linggo, June 1, sa Patikul, Sulu sina Sema, na chairman ng MNLF central committee, at mga MNLF officials na sina Uttoh Salem Cutan, Adzfar Usman at Randy Karon, na mga miyembro ng BARMM parliament, si Bangsamoro Trade Minister Abu Amri Tadik at ang mga leaders ng MNLF Lupah Sug State Revolutionary Committee kung saan nagkaisa silang mag-apela sa mga national lawmakers na gumawa ng paraan na maibalik na ang Sulu sa Bangsamoro region.

Ayon sa mga MNLF officials, napakalaki ng implikasyon sa mga hiwalay na peace agreements ng Malacañang sa MNLF at sa Moro Islamic Liberation Front ng pagkakatanggal ng Supreme Court sa Sulu sa teritoryo ng Bangsamoro region.

Para sa kanila, ang Sulu ang natuturingan pinagmulan ng secessionist rebellion ng MNLF noong 1970s kung kaya dapat na manatili itong nasa loob ng teritoryo ng BARMM na produkto ng mga peace process ng Malacanang sa MNLF at sa MILF. Ayon kay Sema, naniniwala silang may magagawa ang Kongreso at Senado na muling maging sakop ng BARMM ang Sulu. (June 6, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *