Patay sa mga tama bala ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front — si Maldoy Alba —- ng tambangan sa isang lugar sa Gokotan sa bagong tatag na bayan ng Malidagao sa Special Geographic Area ng Bangsamoro region sa probinsya ng Cotabato nitong Lunes, June 30, 2025.
Sa inisyal na ulat mga kinauukulan sa Malidegao at sa karatig na bayan ng Pikit, Cotabato, ang napaslang na si Alba ay residente ng hindi kalayuang Barangay Galakit sa Pagalungan, Maguindanao del Sur na sakop din ng Bangsamoro region.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng pulisya hinggil sa pagpaslang kay Alba. (June 30, 2025)
