Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang paa ang isang 30-anyos na ginang ng barilin ng kanyang mister na sundalo sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, dahil lang sa P2,000 na halaga ng pera, nitong gabi ng Linggo, June 22, 2025, sa kanilang tahanan sa Barangay San Pedro sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Sa inisyal ng ulat ng Pagadian City Police Office, binaril sa paa si Rechel Samo Nalzaro, 30-anyos, ng kanyang 32-anyos mister na si Jemboy Nalzaro, na noon ay lasing, dahil ayaw siyang bigyan ng biktima ng P2,000 na kanyang hinihingi.

Ang suspect, kilalalang sugapa sa inuming nakakalasing, ay kasapi, o enlisted personnel, ng isang Philippine Army unit, ayon sa mga kamag-anak ng biktimang nasa isang pagamutan na sa Pagadian City.

Agad namang nadisarmahan at nadetine ang sundalong mister ni Nalzaro ng mga pulis na nagresponde sa insidente. (June 23, 2025, handout photo)