Minivan, motorsiklo, tupok sa South Cotabato highway accident

Parehong nagliyab at nasunog ang isang minivan at motorsiklo matapos magsalpukan sa isang bahagi ng highway sa Sitio Valencia sa San Vicente sa bayan ng Banga sa South Cotabato nitong gabi ng Sabado, January 4, 2025.

Sa ulat ng Banga Municipal Police Station nitong Linggo, January 5, patungo sana ng General Santos City ang mga sakay ng minivan nang biglang lumihis ang kasalubong na motorsiklo, mula sa kabilang direksyon ng highway, kaya ito bumaliktad sa biglaang pag-iwas ng driver nito na mahagip ang motoristang napag-alaman na noon ay lango sa alak.

Nagliyab ang motorsiklong nakabangga ng minivan na nasunog din dahil sa pagkalat ng gasolina ng nito sa highway na umaapoy.

Nasa ligtas na kalagayan ng pitong sakay ng minivan habang nag-aagaw buhay naman sa hospital ang motoristang sangkot sa aksidente. (January 5, 2025, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *