Home » Mga Moro nakinabang sa medical mission

Mga Moro nakinabang sa medical mission

Tumanggap ng reading glasses ang 82 na mga senior citizens at 68 na mga batang lalaki ang natuli sa panibagong humanitarian mission ng mga peace advocates at mga kawani ng Bangsamoro government sa Barangay Pagagawan sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur nitong Martes, June 17, 2025.

Magkatuwang sa public service activity sa Barangay Pagagawan ang mga kawani ng pribadong Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, mga private peace advocacy groups, ang isang doctor sa Bangsamoro parliament, ang popular na si Kadil Sinolinding, Jr., at ang kanilang chief minister, si Abdulrauf Macacua.

Iniulat nitong Huwebes, June 19, 2025, ni Tunku Mangadad, chairman ng Barangay Pagagawan, na 82 na mga residenteng mula sa mga mahihirap na mga pamilya ang tumanggap ng mga reading glasses na ipinamigay ng medical mission team nila Doctor Sinolinding at Bangsamoro Chief Minister Macacua sa naturang humanitarian activity.

Si Doctor Sinolinding, maliban sa pagiging miyembro ng Bangsamoro parliament, ay naninilbihan din bilang minister ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa ulat ni Pagagawan Barangay Chairman Mangadad at ng mga municipal officials sa Datu Montawal, 68 na mga batang lalaking mga grade school pupils ang natuli ng libre sa naturang outreach activity.

Abot ng 115 na mga residenteng may problema sa mata ang nasuri ng libre at nakitang 33 sa kanila ang may mga cataract at pterygium na nakatakda ng gagamutin ng mga dalubhasa kabilang sa kanila si Doctor Sinolinding na isang eye specialist na nagpakadalubhasa sa bansang India. (June 18, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *